top of page
Search

Tila, Ngunit

  • Ann
  • Jul 28, 2017
  • 1 min read

Tila isang sundalong hahamakin ang lahat makamit lamang ang matamis na oo,

Tila isang hardinero sa pagdidilig ng mga mabubulaklak na salita,

Tila isang bumberong handang puksain ang sakit ng nakaraan,

Tila isang drayber ng tsuper sa paghihintay mapansin at ma-ibigan lamang,

Tila isang magtataho na pilit isinisigaw ang ngalan ko, di alintana ang hirap at paos,

Ngunit ang lahat ay isa lamang "tila" na may kaakibat na "ngunit,"

Tila biktima ng ligaw na bala, ngunit iba ang inasinta,

Tila magsasaka na naghirap magtanim ngunit iba ang umani,

Tila pasaherong pumara ngunit maling tsuper ang huminto,

Tila mamamayang naniwala sa pangako ng politiko ngunit napako,

Tila isang nasimulang tula ngunit di alam kung paano tatapusin

Kaya't ang katapusan ay sa'yo iaasa

Hahayaang ikaw ang magsulat ng ngunit nito.

All images and text on this www.asquaredofficial.wixsite.com/theasquared website is copyright by The A Squared, all rights reserved. No part of this website may be reproduced, published, distributed, displayed, performed, copied, stored for public or private use in any information retrieval system, or transmitted in any form by any mechanical, photographic or electronic process, including electronically or digitally on the Internet or world wide web, or over any network, without written permission of the author.

 
 
 

Recent Posts

See All
Pangalawa

Sa tatlong magkakapatid pinakamahirap ang maging pangalawa Kung alam nyo lang ang pakiramdam ng maging gitna Na sa t'wing kukunan kayo ng...

 
 
 
Gusto Kita

Gusto kong pansinin mo ako Gusto kong kausapin mo ako Gusto kong kaibiganin mo ako Hanggang gustuhin mo ako Gusto kong tignan mo ako ng...

 
 
 
Lihim Na Liham

Ikaw ang kaligayahan ko Ang nagsisilbing ngiti At nagbibigay kulay sa buhay ko Kumbaga para kang Kape ko sa umaga Unan ko sa gabi Di ako...

 
 
 

Kommentare


  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon

© 2017 The A Squared. All rights reserved.

bottom of page