Gusto Kita
- Ann
- Sep 6, 2017
- 1 min read
Gusto kong pansinin mo ako
Gusto kong kausapin mo ako
Gusto kong kaibiganin mo ako
Hanggang gustuhin mo ako
Gusto kong tignan mo ako ng may kislap sa iyong mga mata
Gusto kong alagaan mo ako hanggang tayo'y tumanda
Gusto kong patawanin mo ako may problema man o wala
Gusto kong ipagluto mo ako sahog ang pagmamahal mo
Gusto kong maglakad hawak ang kamay mo
Gusto kong matulog nang nakahimbing sa bisig mo
Gusto kong masaksihan ang paglubog at pagsilay ng araw habang ang kamay mo'y nasa aking mga balikat
Gusto kong makita mo ako maging ang pagkatao ko
Hindi man ako maganda
Hindi man ako matangkad
Hindi man ako kutis rosas
Hindi man ako perpekto
Wala man akong talento
Wala man akong kayamanan
Wala man akong maipagmamalaki
Meron naman akong pusong ikaw lang ang isinisigaw at tinitibok
Gusto kong sabihin mong mahal mo ko
Gusto kong sabihin mong ako lang
Gusto kong sabihin mong ako ang panghabang buhay mo
Gusto kong halikan mo ako sa aking noo
Gusto kitang makilala sa itinakdang panahon
Gusto kitang makita sa tamang lugar
Gusto kitang mahagkan na para bang wala nang bukas
At gusto kitang hintayin hanggang ang mga landas nati'y pagtagpuin ng tadhana.
All images and text on this www.asquaredofficial.wixsite.com/theasquared website is copyright by The A Squared, all rights reserved. No part of this website may be reproduced, published, distributed, displayed, performed, copied, stored for public or private use in any information retrieval system, or transmitted in any form by any mechanical, photographic or electronic process, including electronically or digitally on the Internet or world wide web, or over any network, without written permission of the author.
Recent Posts
See AllSa tatlong magkakapatid pinakamahirap ang maging pangalawa Kung alam nyo lang ang pakiramdam ng maging gitna Na sa t'wing kukunan kayo ng...
Ikaw ang kaligayahan ko Ang nagsisilbing ngiti At nagbibigay kulay sa buhay ko Kumbaga para kang Kape ko sa umaga Unan ko sa gabi Di ako...
Tila isang sundalong hahamakin ang lahat makamit lamang ang matamis na oo, Tila isang hardinero sa pagdidilig ng mga mabubulaklak na...
Comments