Pangalawa
- Abzr
- Sep 24, 2018
- 1 min read
Sa tatlong magkakapatid pinakamahirap ang maging pangalawa
Kung alam nyo lang ang pakiramdam ng maging gitna
Na sa t'wing kukunan kayo ng litrato ika'y laging may pangamba
Dahil yung nasa gitna daw yung laging "nauuna", 'ikanga ng matatanda
Pero sa sitwasyon ko, di lang ako ipinanganak na pangalawa
Kundi pati na rin sa pagmamahal at atensyon, pangalawa
Yung pakiramdam mo wala kang kwenta sakanila
Na makikita ka lang nila pag wala yung dalawa
Di na bago sayo yung, "Uy!, anjan ka pala!"
Kaya di mo rin masisi kung karamihan sa aming mga gitna
Ay nagiging pariwara at itim na tupa sa pamilya
Di namin naranasan o naiparamdam man lang pag aaruga
Atenyon at pagmamahal na tinamasa nung dalawa
Alam mo yun? yung pakiramdam mo'y ikay ampon?
Na pag tiningnan mo yung gamit nung dalawa sagana?
Pero yung kung hindi pinaglumaan ay mana sa nakakatanda?
Yun bago ka paboran kelangan mo muna paghirapan?
Pero pag iba, isang hiling lang bigay agad?
Tapos pag may utos kay panganay ikay yung uutusan?
Kapag naman yung bunso ang may kasalanan ikaw yung pinapagalitan?
Masakit din kapag ikaw lang ang nakadalo sa okasyon ng isang kapamilya
Lagi nilang tanong, "Ikaw lang? asan yung dalawa?"
Mabigat ito sa kalooban, di man nila sadya
Na tila ba yung presensya mo - para sa kanila - ay balewala
Di naman ako nagrereklamo, o nanlilimus ng awa
Nais ko lang ipamulat sa iba kung ano pakiramdam ng maging gitna
Ang maging...PANGALAWA
Recent Posts
See AllGusto kong pansinin mo ako Gusto kong kausapin mo ako Gusto kong kaibiganin mo ako Hanggang gustuhin mo ako Gusto kong tignan mo ako ng...
Ikaw ang kaligayahan ko Ang nagsisilbing ngiti At nagbibigay kulay sa buhay ko Kumbaga para kang Kape ko sa umaga Unan ko sa gabi Di ako...
Tila isang sundalong hahamakin ang lahat makamit lamang ang matamis na oo, Tila isang hardinero sa pagdidilig ng mga mabubulaklak na...
Comments