Huling Liham
- Loly Monte
- Jul 30, 2018
- 3 min read
Mahal na-aalala mo pa ba ang mga araw na tayo'y magkasama ?
Kung paano tila ayaw magpaawat ng puso nating mahalin ang isat isa .
Naalala mo pa ba kung paano natin napapangiti ang isat isa ?
Kung paano tila ayaw nating mapag-isa kasi gusto natin laging magkasama .
Sa bawat segundo, minuto at oras na di tayo magkasama tila ba kay tagal ng oras pag nag iisa .
Alam ko ako na yata ang pinaka maganda at mas swerte sa lahat kasi naging akin ka .
Ikaw na walang ibang ginawa kung di alagaan at mahalin ako ng buong buo .
Pero mahal ? Kung gaano tayo katagal ganon mo din ako kadaling bitawan .
Kung gaano mo ako minahal ganon mo din ako sinaktan .
Kung gaano mo ako inalagaan ganon mo din ako kinalimutan .
Kung gaano mo ako pinasaya ganun mo din ako pinaluha mahal,
Kahit basahin ko lahat ng aklat kong paborito alam ko hindi nito masasagot ang tanong kung bakit wala na tayo .
Kung bakit at papano mo nagawang saktan ako ?
Mahal umasa ako na muling maibabalik ang salitang tayo .
Pero paano maibabalik ang tayo kong meron ng kayo?
Mahal tila nakalimutan mong tao ako .
Tao ako na marunong masaktan at mapagod .
Oo mahal alam ko matagal mo ng kinalimutan ang tayo .
Kasi di pa nga tapos ang tayo meron ng kayo .
Mahal sa pag alis mo tila hindi ko na alam kong nasaan ang mundo ko .
Alam ko mali ako kasi ginawa kong mundo ang dapat ay tao .
Mahal patawad kung napagod ako, pagod na akong hintayin ka.
Pagod na Pagod na sa bawat araw na nagdaan hindi ko mawari, hindi ko maintindihan
Saan ba ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Tama bang hinintay kitang bumalik ?
O mas tama na sa iyong pag alis ay sana ika'y akin ring inalis.
123456789 10 na segundo, minuto, araw at buwan kahit anong bilang hindi ko mabilang ang sakit at pighating iyong iniwan.
Mahal sana sa aking paglayo mahanap mo ang iyong kaligayan.
Oo mahal, tuluyan na kitang bibitawan hindi dahil sa duwag ako, hindi dahil sa hindi na kita mahal,
Kundi alam kong doon ka lang sasaya pag wala na ako sa piling mo .
Ang sakit sakit na kasi ang hirap hirap na mahal.
Ang hirap kumapit kung wala ka naman talagang makakapitan.
Ang hirap magmahal ng taong di ka na mahal.
Alam ko naging tanga ako sayo mahal, patawad sa aking katangahan.
Patawad sa aking pagkapit, patawad kung hindi kita agad binitawan,
Patawad mahal pero ika'y tuluyan ko ng kakalimutan, patawad mahal ngunit kelangan na kitang bitawan.
Oo, bibitawan na kita dahil alam ko makakamtan ko lang ang tunay na kaligayan pag pinalaya ko na ang aking katangahan.
Mahirap , masakit , nakakabaliw pero alam kong makakaya ko.
Kakayanin ko para sayo mahal.
Tandaan mo hindi ko pagsisihan na minsan akong nagmahal.
Mas pinagsisihan ko na sa maling tao ko nila-an ang aking tunay na pagmamahal.
Ngunit kahit papaano'y marami akong natutunan.
Salamat sa ilang taon mahal, sana nuon ko pa to ginawa.
Sana noong kinalimutan mo ako kinalimutan din kita
Mahal paalam na, kase ayaw ko na sumabak sa gyera ng walang bala.
Ayaw ko ng makihati, ayaw ko ng maging pangalawa, kahit ako yong nauna
Kung ang dagat at bundok ay may hangganan ako pa kaya na tao lang ?
Oo mahal, tao ako na nagmahal ng totoo pero sinayang mo.
Sinayang mo sa isang walang kwentang tao.
Mag iingat kayo, Maging masaya sana kayo sa aking pagsasakripisyo .
Mahal, mahal na mahal kita kahit wala na tayo .
Commentaires